Mahal Kita
Hindi ko alam
Kung ano ang gagawin
Tuwing ang mata mo'y
Mapapatingin sa akin
Sana naman
Ako ay pansinin
Dahil ikaw lamang
Ang tanging hiling
Ng puso at damdamin ko
Sana ay malaman mo
Tumitibok ito para sa'yo ohh...
At tuwing makikita ka
Kay sigla ng nadarama
Ngayo'y alam ko nang mahal kita
ahh...ahh...ahh...
Ako'y kinakabahan
Kung ano ang kahihinatnan
Kapag ako'y nagtapat
Sa'yo ng aking nararamdaman
Baka ako'y sampalin
Kapag sinabi sa iyo
Na ikaw ang babaeng
Iniibig ko
Ngunit di bale na nga
Basta't nasabi ko na
Ang nilalaman ng puso ko sinta ahh...
At baka pwede ba
Mahalin na lang kita
Kahit alam kong meron kang iba
ahh...ahh...ahh...
Sunday, August 23, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)
